Tuesday, February 10, 2015

PAGBABALIK TANAW SA NAKARAAN


Sa panahon ngayon kung saan ang teknolohiya ay parte na ng ating pang-araw-araw na gawain ay nakakalimutan na natin ang bagay-bagay tungkol sa nakaraan ng ating bansa. Kapag nagtanong ka sa pitong taong gulang na bata kung sino ang pinakamataas na character sa dota o kung anong rank niya na sa COC ay mabilis niya itong masasagot kaysa tanungin mo kung ano ang tawag sa pinuno ng isang barangay o kung saan unang dumaong si Magellan sa Pilipinas.

Noong January 31, 2015 ay nagtungo kami sa Manila para puntahan ang National Museum upang magsaliksik sa mga bagay at labi ng ating kasaysayan.

Picture muna bago pumasok! :)

Una nming pinuntahan yung Ifugao Hut. Ang kakaiba dito e yung hagdan niya natatanggal. Hahaha!


Tapos pumunta na kami sa ikalawang palapag kung saan nandoon ang San Diego exhibit. Para ka talagang nasa loob ng lumang barkong pandigma dahil sa itsura ng lugar at sa napakaraming kanyon dito.

Andito ang old compass at ang ilan sa mga kayamanan ng San Diego.

Dito naman ang yung barko ng San Diego, mga lumang kanyon at bola ng kanyon at si Antonio de Morga at ang librong Sucesos de las Islas Filipinas.

Ilan sa mga koleksyong porcelana at kayamanan ng San Diego.

Ang mga natitirang koleksyong porcelana at mga banga mula sa San Diego.


Sunod kaming pumunta sa exhibit tungkol sa Pilipinas bago ang kasaysayan. Makikita rito kung ano ang itsura, kabuhayan at mga labi ng mga hayop at tao sa panahon ng paleolitiko at metal.


Ito ang replica ng duyong cave at ang bao ng bungo ng babaing tabon.

Mga gamit sa panahon ng metal.

Bamgka ng Butuan.

Sunod naming pinuntahan ang silid kung saan pinapakita ang mga bangang panglibing.

Mangungol Jar, Maitum Jar at ang sisidlan ng tabako na may mga nakaukit na titik ng Hanunuo.

Ang mga Jarlet sa panahon ng neolitiko.

Ang Laguna copperplate, Butuan silver strip, Calatagan pot at ang mga brass gong mula sa tribo ng maranao.

Ang T'boli lute, lalaki at babaing bulul, ang Ifugao blanket at ang Gold seal.

Nahirapan ako sa paghahanap nung Mandaya basket tapos nung nagtanong ako sa ikatlong palapag ko daw makikita pero ang daming basket kaya yan lahat ng basket kinunan ko. Haha! 

Ang Maranao Sarimanok at Mandaya Basket.

Ang ganda nung mga basket, pag iniisip ko kung pano ba nila ginawa yun sumasakit lng ung utak ko! 

Tapos naming maglibot sa National Museum ay pumunta kami sa Luneta Park kahit mainit tuloy parin kami sa paglilibot.

Pictorial sa Philippine map,

Sa Monumento ni Rizal.

At Monumento ni Lapu-lapu :)

Marami kaming natutunan at natuklasan sa paglalakbay na ito, di alintana ang init at pagod.
Sobrang saya! :)

Iilan pa lamang ito sa mga magagandang bagay at lugar na makikita sa Pilipinas. At sigurado akong marami pang magagandang lugar, may kasaysayan man o wala, ang matatagpuan sa Pilipinas.

Pero mas masaya kapag kasama mo ang mga kaibigan mo.

Ang sarap sa pakiramdam kapag alam mo ang mga bagay tungkol sa bansang iyong pinagmulan kaya sana huwag natin silang kalilimutan.




Reference: http://www.nationalmuseum.gov.ph/nationalmuseumbeta/Museums%20and%20Branches/sandiego.html

1 comment:

  1. very creative

    your GRADE

    Organization - 5
    Content - 10
    Creativity - 5
    Mechanics & Grammar - 4

    Total - 24/25 :-)

    ReplyDelete