Bilang kabataan, mas gusto kong manuod ng pelikulang dayuhan dahil mas maganda ang kanilang kwento. Hindi talaga ako humahanga sa pelikulang Filipino dahil pakiramdam ko kulang sa badget at hindi maganda ang kwento nito. Ang manuod ng pelikulang Filipino at tungkol pa sa kasaysayan ay nakakabagot at nakakaantok, hindi ko talaga matatagalang panoorin iyon.
At nang nanonood na ako ng El Presidente, sabi ko, ito na ang nakakaantok na kwento. Ngunit nagkamali ako. Habang pinapanuod ko siya, ang dami kong nalaman na hindi tinuro sa paaralan at kawili-wiling panoorin ito. Ikalawang maling akala. Ang pelikulang tungkol sa kasaysayan ay ngbibigay linaw sa mga pangyayaring nakalathala sa mga aklat.
Nagtataka ako tungkol sa mga pangyayari gaya ng Halalan sa Tejeros, ang pagpaslang kay Andres Bonifacio at Antonio Luna at ang pagsakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ipinakita ang mga pangyayaring ito sa pelikula at nagpa-intindi sa akin sa mga bagay na yun.
Ngayon mas naiintindihan ko nang may mga bagay na hindi tinuturo sa silid-aralan . Nabuksan nito ang isipan ko na pahalagahan ang ganitong kategorya ng pelikula. Hindi na siya nakakabagot at nakakaantok; ito ay payak. Ito ang nagbigay-daan sa akin upang hindi matakot tignan at unawain sa ikalawang pagkakataon ang ibang bagay.
No comments:
Post a Comment